Naisip ko lang.
Ilang ulit na ba ko pinanghinaan ng loob? Ilang ulit na ba ko muntikan ng sumuko? Sa totoo lang hindi ko na matandaan. Pero eto pa din naman ako, buhay pa -- at masaya. Kahit naman anong pagdaanan ko, kahit kailan di naman Niya ko iniwan. Hndi naman titigil ang mundo para makiramay sa problema ko. Di rin naman ako sasaya kung susuko ako. Saglit lang naman ang buhay dito. Saglit lang magtitiis. Saglit lang sasaya. Naisip ko lang, bakit ko pa sasayangin yung saglit na meron ako?
0 comment/s